Tambayan
I miss our old shop that used to be our meeting place, na halos every night may tambay. Miss ko na rin yung chicken shop nina Magmaman as in “magmamanok” sa tabi namin. And also Roma’s house where I used to sleep after school. And yung videoke sa tabi nila na halos malatin na ako sa kakakanta, miss ko na rin. Syempre, lalong nakaka-miss yung Philbank sa Mendiola where students from University belt met and make chika-chika-beso-beso to each other while waiting the bus. With mini store on the side where we put our notes/messages, ‘di pa kasi uso cellphone non’ eh. And if its too early to go home we stroll around muna sa Galleria Mall or tumambay sa rooftop ng bahay nina Lei o kaya nina Jhayson o sa bahay ng kahit sino then doon kami makikikain.
Food
Speaking of kain, I miss eating terepilya, litsong manok or crispy tenga na nasa plastic pa lang ubos na.. Exciting makipag-agawan sa mga tropa kong matatakaw. Miss ko na ring kumain ng bud-bod o kaya tapsilog sa tapsilogan ni Roma. I also miss balot or penoy na higupin ni tateng sa gabi o pandesal at keso sa Halina Bakery, bibingka at sumang may latik ni Inang, shawarma sa Sta. Lucia, sinangag sa likod ng baste, zigzag ice cream, ice drop etc. sa 7-11, taho at chicken feet. Hmmm…wish ko silang kainin ngayon.
School
I miss chasing my profesor to complain my grade. I miss rushing up to meet the deadline for my case study, term papers, thesis etc. I miss my cheatmate. I miss school fare and every activities sa school, anything that cut the class off. I miss kuya Pong, my schitzoprenic patient sa Sunrise Hill Therapeutic Center, he died after I left the hospital. I miss graduation practice and I miss Francis, the campus heartthrob.
G-Liner Bus a.k.a. Gapang-Liner
I miss chasing the bus when going to school lalo na pauwi. Though it’s mabagal, masayang sumakay sa bus doon kasi nabuo ang circle of friends namin. In two hours na biyahe, a lot of things happened, someone fell inlove to someone, and someone broke up to someone. I also miss sleeping sa bus and leaning to a friend’s shoulder, ok lang mag-lean sa akin wag lang tutulo laway..yak! I miss throwing jokes para di mainip sa traffic or tear up the tickets at gawing decoration sa bus. Its also fun reading the names written all over the wall, pinakamarami na si Gozzard. I miss the itlog ng pugo na nilalako sa loob ng bus. Miss ko na ang #2021 at ang driver nasi Bolo na pag nakita kami sa tapat namin titigil para mauna kaming sumakay. Pati na rin si Mang Tan na kundoktor that always give us discount and sometimes libre pa. Pero si Chaplin na Inspector di ko miss.
Gimik
I love Sabado Nights or Friday Madness, our gimik day. Miss ko nang makipag-inuman “on the house” sa friends ko. Or going to some place kahit saan basta makagimik lang. And I miss having a week vacation sa Baguio, mountain climbing sa Laguna, site seeing sa Tagaytay , playing casino and billiards with Roma and mag-overnight sa rest house ni Jash sa Baras. I miss watching live concert. I miss going to 22nd street, Punchline, Niagarra Videoke bar, Over Looking, Nature’s Camp, Padi’s Point etc. I miss going out in short.
My circle of friends
I miss Carlo na kasama kong magsimba, na lagi akong dinadaya sa pusoy dos at tong-its, pati na rin sa Nintendo, pero oks lang lagi naman nya akong nililibre ng zigzag and stroll around with his motorcycle. But now di na ko pinapansin, yabang!. Syempre miss ko rin ang mga mang-aasar sa buhay ko, sina Jopax, Jhayson, Jash, Eric. I also miss Tess-bun, Mitchie, Carla, Boni, Nhel, Maloy and others. Syempre makakalimutan ko ba naman ang ka love team kong si Marvin. Pati na rin yung mga tropa ko sa Trinity, like Atong, Glen, Erlie, Jane, Janet…kamusta na kaya sila?
The Villains
Sige na nga miss ko na rin ang tsimosang the black nights, slimer na feeling close kay Marvin and the kurimao’s that’s too loud na parang sila may ari ng bus, so irritating, pati na ring ang mga atribidang fungi.Miss ko na sila….laitin, sama ko no?
My bestfriends
I miss my buddies, they’re the one I’m with sa lahat ng nabanggit ko. I miss exchanging letters with Lei, na mababaw na kaligayahan mababaw pa luha. Imagine pati pag-alis ni Pope nung world youth day iniyakan. I miss watching DragonBall sa bahay nila, at lumaboy kasama nya at ng pinsan nya. Anyway we manage to keep in touch kahit magkalayo na kami. And also I miss laughing out loud with Roma, I miss her funny dance at ang walang kamatayan nyang pag-awit ng “through the years” na walang tumama sa lyrics. Miss ko nang tumakas sa bahay namin para lang sunduin sya sa gimik. And I’ll never forget ng umiyak sya sa wedding nya while I was giving a message. Muntik na rin akong maiyak. Though we seldom see each other, nagtatawagan naman kami. God I miss them…
….You probably got an idea how bored I am right now….